Pia Wurtzbach binatikos dahil sa sagot na gusto niyang magka-anak ng ‘gay’

Pia Wurtzbach binatikos dahil sa sagot na gusto niyang magka-anak ng ‘gay’

Nagulat si former Miss Universe Pia Wurtzbach nang dinagsa ng comments ang kanyang Twitter account dahil sa kanyang sinagot kung bakit gusto niyang magkaroon ng anak na ‘gay.’ Naganap ang nasabing interview nang mag-guest si Pia sa ‘Tonight With Boy Abunda.’

“I really believe na aalagaan ka nila kapag matanda ka na, not to say na hindi ka aalagaan kung straight ‘yung anak mo pero based on my experience, ibang mag-alaga ‘yung beki,” sagot ni Pia nang siya ay tanungin ni TV host Boy Abunda bakit gusto niyang magka-anak ng gay.

==========

Related Stories:

WATCH: Pia Wurtzbach sinampal si Vice Ganda kahit hindi pa ‘take’

Bea Alonzo at Pia Wurtzbach magsasama ba sa isang teleserye?

“I was fair to everyone” – Pia Wurtzbach

==========

Hindi nagustuhan ng ilang netizens ang sagot na ito ni Pia at sinabing nasaan ang advocacy ni Pia na gender equality.

“Gusto kong ma-experience ‘yung merong excited na bibihisan ako, na ayusan ako, alagaan ako, parang magiging best friend ko. Na-imagine ko na ‘yung anak ko magiging best friend ko pagbeki sya,” dagdag pa ni Pia.

Sa kanyang Twitter accout ay humingi ng paumanhin si Pia sa kanyang sinabi at sinabing na-misinterpret lamang siya.

“Shocked to see some comments online about what I said at TWBA. 😞😮Please don’t misinterpret what I said. I have high regards for the LGBT. It was just a fun interview, guys! Meant no disrespect at all. Mahal ko kayo! Happy holidays everyone! #GoodVibesLang 😌🙏💕🏳️‍🌈”

“Namiss interpret lang po. Meant no malice at all. I didnt mean to offend anyone. I’m sorry for the misunderstanding. ❤️”

“Lesson learned: always always be cautious with what you say! ❤️❤️❤️”

(Photo source: Instagram – @piawurtzbach)


Share This Post