Piolo Pascual isinasangkot sa Mark Bautista revelation

Piolo Pascual isinasangkot sa Mark Bautista revelation

Usap-usapan online kung sino ang lalaking tinutukoy ni Mark Bautista na nakasama niya sa isang ‘intimate’ night. Ang nasabing revelation ay nakasaad daw sa kanyang libro na may titulong ‘Beyond the Mark.’ Sa mga comment section sa social media ay nababanggit at idinadawit ang pangalan ni Piolo Pascual at KC Concepcion.

Matatandaang may isang matagal na issue na ang lumabas na ang dahilan diumano ng paghihiwalay nina Piolo at KC ay dahil nakita o nahuli daw ni KC si Piolo na may kasamang lalaki. Kung totoo man ito o hindi ay hindi na nakumpirma. Kaya naman sa revelation daw ni Mark ngayon ay marahil na ipinagtagpi tagpi na lamang ang mga balita.

==========

Related Stories:

Mark Bautista itinanggi ang kumamakalat na open letter

==========

ME #beyondtheMark #2018

A post shared by Mark Bautista (@iammarkbautista) on

Kung may katotohanan man ang mga balitang ito o wala ay walang nakakaalam. Ang importante ay magkakaibigan silang lahat ngayon at may mga sarili ng mga buhay na tinatahak.

(Photo source: Instagram – @iammarkbautista)


Share This Post