Ruby Rodriguez umalma sa komentong may ‘diperensya’ ang anak nina Pauleen at Vic Sotto

Ruby Rodriguez umalma sa komentong may ‘diperensya’ ang anak nina Pauleen at Vic Sotto

Hindi nagustuhan ni Ruby Rodriguez ang komento ng isa sa kanyang mga follower sa Instagram na kung may diperensya daw ba ang anak nina Pauleen at Vic Sotto kaya niya (Ruby) itinago sa publiko ang mukha ng bata.

Sa isang larawan na ibinahagi ni Ruby na kasama niya ang anak nina Pauleen at Vic ay nilagyan niya ito ng ‘heart’ symbol upang ikubli ang mukha ng baby.

Nagcomment ang isang follower at sinabing:

– “Bkit di pinapakita ang mukha ng bata?may deperensya po ba ang bata?”

Tila hindi nagustuhan ni Ruby ang komento at nagpost siya ng:

– “ofcourse not!!! Dapat lang magulang mauna hindi ba! Ayaw lang pakita may diperensya na?! Sobra naman ata”

(Photo source: Instagram – @bossingvicsotto)


Share This Post