Ruffa Gutierrez maglulunsad ng sariling libro

Ruffa Gutierrez maglulunsad ng sariling libro

Magkakaroon ng kanyang sariling libro ang aktress na si Ruffa Gutierrez na maglalaman ng kanyang buhay, mga tips sa lifestyle at fashion. Ginawa ni Ruffa ang announcement sa press conference ng kanyang ini-endorse na produkto.

Matatandaang ang ina ni Ruffa na si Anabelle Rama ay naglabas din ng sarili niyang libro na may titulong “‘Day, Hard!”

Ang libro ni Ruffa ay ipu-publish ng ABS-CBN Publishing Inc.

(Photo source: Instagram – @iloveruffag)


Share This Post