Sunshine Cruz and Angeline Quinto fire back at Jimmy Bondoc

Sunshine Cruz and Angeline Quinto fire back at Jimmy Bondoc

Patuloy ang pagdami ng mga celebrities ang nagsasabing hindi nila nagustuhan ang statement o post na ginawa ni singer Jimmy Bondoc laban sa ABS-CBN. At ang dalawa dito ay sina Sunshine Cruz at singer Angeline Quinto.

Sa kanilang mga social media accounts ay ipinarating nila ang kanilang saloobin sa sinabi ni Jimmy.

==========

Related Stories:

Angel Locsin slams Jimmy Bondoc for statement against ABS-CBN

Jimmy Bondoc binanggit ang ABS-CBN sa bagong video post

Jimmy Bondoc excited for ‘biggest tv network’ closure

==========

“Share ko lang po.
Year 2013. Nung panahong lugmok ako, walang pera, walang matirahan, ABS-CBN ang nagbigay ng tsansa na makabalik ang isang katulad kong bagsak na bagsak ang moral. I will always be GRATEFUL to them. Naitaguyod ko ang aking tatlong maliliit na anak, nakapundar ako ng maayos na tahanan na aming tinitirahan ngayon. At nakakakakain kami ng nasa oras dahil sa pagtitiwala ng ABS-CBN sa isang katulad ko.

Hindi ako kailanman magagalak na mawalan ng trabaho o pangkabuhayan ang nakararaming tao na nagtatrabaho ng maayos para matulungan ang kanilang pamilya dahil kailanman ay hindi ito tama.

Guys, freelance artist po ako. I have worked with both networks. Grateful sa parehong networks for the work and chance. Marunong lang po tayong tumanaw ng utang na loob sa mga tao na naging bahagi ng ating growth at success. Hindi dapat ipagbunyi ang pagkawala o pagsasara ng isang company na nakakatulong sa maraming tao at pamilya.

Magandang Hapon po!”

Si Angeline naman ay ito ang sinabi: “ABS-CBN I am forever grateful”

View this post on Instagram

ABS-CBN ❤️❤️❤️ I am forever grateful ❤️

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto) on

(Photo source: Facebook – @Jimmy Bondoc)


Share This Post