Team Blue ni Gerald Anderson dinaig ang Team Red ni Daniel Padilla

Team Blue ni Gerald Anderson dinaig ang Team Red ni Daniel Padilla

Nakabawi ang Team Blue ni Gerald Anderson ng talunin nito ang koponan ni Team Red Daniel Padilla sa score na 93-90 sa katatapos lamang na ‘StarMagic All Star Game’ 2017. Noong isang taon ay nanalo ang team ni Daniel laban sa team ni Gerald. Bukod sa panalo ay si Gerald ang tinanghal na Most Valuable Player.

Ang team ni Gerald ay binubuo nina Rayver Cruz, JC de Vera, Matt Evans, Ejay Falcon, Diego Loyzaga, Jason Abalos, Miko Raval, Young JV Kapunan, Jimboy Martin, Gerhard Acao, at Joe Vargas.

Sina Zanjoe Marudo, Joseph Marco, Zeus Collins, Ronnie Alonte, Vin Abrenica, Anjo Damiles, Marco Gumabao, Patrick Sugui, Jon Lucas at Paolo Angeles ang nasa team ni Daniel.

Congratulations Team Blue on winning the #StarMagicAllStarGame! #StarMagic25

A post shared by Star Magic (@starmagicphils) on

#StarMagicAllStarGame #StarMagic25

A post shared by Star Magic (@starmagicphils) on

(Photo source: Instagram – @starmagicphils)


Share This Post