Teddy Corpuz at Paulo Angeles sinagot nga ba ang ‘nalunod’ caption ni Joey De Leon?

Teddy Corpuz at Paulo Angeles sinagot nga ba ang ‘nalunod’ caption ni Joey De Leon?

Marami ang naniniwala na si Joey De Leon ang tinutukoy na mga tweets ni Teddy Corpuz at Paulo Angeles. Ito ay may kinalaman sa caption ni Joey sa kanyang Instagram account na ““Nuknukan ka na ng katangahan pag sa DEAD SEA nalunod ka pa!” Deleted na ang nasabing caption.

Inugnay ito ng maraming netizens at sinabing isang ‘bad joke’ ito patungkol sa namayapang Hashtags member na si Franco Hernandez na nalunod sa Davao Occidental.

Sa Twitter ni Teddy na kasamahan ni Franco sa “It’s Showtime”, ay sinabi nitong:

==========

RELATED POST…

Joey De Leon inulan ng batikos dahil sa ‘nalunod’ caption sa Instagram

==========

– “Sana binigay mo na lng muna sa amin ang maipagluksa ang kaibigan at kapatid namin, kahit isang araw lang. kahit ngayon lang. Nakakalungkot ka po. Ipapag pray po kita na gabayan ka ng puong may kapal. 😔”

Nag tweet din ang isa pang Hashtags member na si Paulo Angeles na pinaniniwalaan ng marami na si Joey din ang pinatatamaan ng binata:

– “Tanda mo na bastos ka pa. Wala akong pake kahit sikat ka. Mga joke mo wala sa lugar. Sobrang bastos mo”

(Photo source: Instagram – @


Share This Post