Connect
To Top

Vice Ganda narrates details on Karylle meeting Marian and Dingdong Dantes

Nagkita sina Karylle at ang mag-asawang sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa isang event. Ibinahagi ito ni Vice Ganda sa ABS-CBN noontime variety show ‘It’s Showtime.’ Matatandaang bago pa man nagkaroon ng kani-kanilang sariling pamilya ay nagkaroon ng relasyon sina Karylle at Dingdong.

Napag usapan ang pagkikita ng tatlo dahil sa kwento ng isang contestant sa ‘Tawag Ng Tanghalan’ na nalaman niyang ikinasal na pala ang kanyang ex-girlfriend.

==========

Related Stories:

Vice Ganda to JaDine: “Magkasama na ba kayo sa isang house?”

WATCH: Vice Ganda natunaw sa ginawa ni Gerald Anderson sa “It’s Showtime”

Vice Ganda’s message: “Ginagawa niyong bobo yung mga artistang iniidolo niyo”

==========

“Di ko kaya eh. Tanungin natin si Karylle kasi nagkita sila ni Dingdong noong isang araw,” sambit ni Vice. “Nakasalubong niya si Marian. Gandang-ganda daw siya (Karylle) kay Marian. Bineso niya daw. Pag-beso niya, Uy ang ganda naman.” dagdag pa ni Vice.

“Tapos pag talikod niya, na-realize niya na ang payapa na daw pala talaga ng puso nila, kasi nag-beso sila, tapos gandang-ganda raw siya kay Marian.” patuloy ni Vice.

Paano naman noong magkita sila ni Dingdong? Nag-hi lang daw siya sabi ni Karylle. Si Karylle ay may sarili na ding pamilya at masaya sa piling ni Yael Yuzon.

(Photo source: Instagram – @anakarylle)

You must be logged in to post a comment Login

More in News