Connect
To Top

WATCH: Coco Martin breaks his silence on Eddie Garcia’s situation

Hindi matatawaran ang pinagsamahan nina Coco Martin at Eddie Garcia sa “Ang Probinsyano.” Ginampanan ni Tito Eddie ang papel ni Don Emilio at talaga namang hinangaan siya ng mga tagasubaysay ng nasabing serye.

Isa si Coco sa mga dumalaw sa ospital upang kamustahin at ipagdasal ang kalagayan ni Tito Eddie.

==========

Related Stories:

Direk Joel Lamangan on Eddie Garcia’s accident: “Hindi puwede sa akin na pakalat-kalat ang mga kable”

Eddie Garcia hindi tatanggalin sa life support ayon sa pamilya

Eddie Garcia’s family agrees to place actor on “Do not resuscitate (DNR)” status

==========

Sa isang panayam ng Rated K ay ipinahayag ni Coco ang kanyang paghanga sa kanyang minamahal na si Tito Eddie:

“Napakasimple, tahimik.. bilang artista, sa edad ni Tito Eddie, sobrang nabilib kaming lahat. Kasi siya yung tipong walang personal assistant, driver lang. Grabe yung pagmamahal niya sa trabaho, pagmamahal niya sa industriya. Yung pag-aalaga niya sa lahat ng mga proyektong ginagawa niya.” sabi ni Coco.

“Lo, alam ko kayang-kaya mo yan. Alam ko po na kung ano man ‘tong nangyari sayo, alam ko na, wala yan, malalampasan mo yan. Huwag kang bibitiw, lagi kaming andito, nagmamahal sayo, humahanga sayo, at nagdadasal sayo.” dagdag pa ni Coco.

Narito ang kanyang video interview:

(Photo source: Instagram – @dreamscapeph)

You must be logged in to post a comment Login

More in News