WATCH: Star-studded ang bagong music video ni Donnalyn Bartolome

WATCH:  Star-studded ang bagong music video ni Donnalyn Bartolome

Inilabas na ni Donnalyn Barolome ang kanyang pinaka-bagong awitin na may pinamagatang “Di Lahat”. May music video na din ito na kanyang pinost sa Youtube at marami ang nagandahan dito dahil maraming guest celebrities ang kasali sa kanyang video.

Mapapanood sina Anne Curtis, Nadine Lustre, Alex Gonzaga, Yassi Pressman, Loisa Andalio, Sue Ramirez, Sofia Andres at marami pang iba ang lumabas at kasali sa nasabing music video.

Sa ngayon ay may 500,000 views na ang video na ito na ang direktor ay si Donnalyn mismo.

(Photo source: Instagram – @donnalynbartolome)


Share This Post