Xian Lim nagreact sa mensahe ni Kris Aquino kay Kim Chiu

Xian Lim nagreact sa mensahe ni Kris Aquino kay Kim Chiu

Maaalalang sa interview na ginawa ni Kris Aquino kay Kim Chiu ay nabanggit ng Queen of All Media ang kanyang dasal para sa kanyang minamaha na si Kim. Sa interview ay sinabi ni Kris na “Pinag-pray pa kita kagabi nung nagma-mass kami sa Padre Pio. Na sinabi ko talaga na… sinabi namin na sana may you find true and lasting love talaga. Kasi gusto namin ‘yun for you.”

Sa isang artikulo na inilathala ng StarCinema.ABS-CBN ay nagbigay ng kanyang reaksyon si Xian sa tinuran ni Kris.

==========

Related Stories:

Kris Aquino interview reveals Kim Chiu and Xian Lim breakup?

Xian Lim tinuruan si Kim Chiu sumakay ng motorbike

Kim Chiu and Xian Lim: Sweetness Overload

==========

“Honestly, ‘di ko pa nababasa ‘yung comment ni Ms. Kris. She always has the purest intention and she loves Kim, so I don’t think she would do anything na makakasira o makakasakit kay Kim.” sabi ni Xian.

A post shared by Xian Lim (@xianlimm) on

“Si Ms. Kris naman is a good friend of Kim. Every time nakikita ko sila together, she always expresses her genuine care and affection talaga. It’s good na meron si Kim na gano’n to always give her that love. For Ms. Kris to have Kim always by her side is very very important kay Kim. Personally what I think about it, it’s a harmless comment or gesture,” dagdag pa ni Xian.

(Photo source: Instagram – @xianlimm)


Share This Post