Yassi Pressman nagpaalam at nagpasalamat kay Arjo Atayde

Yassi Pressman nagpaalam at nagpasalamat kay Arjo Atayde

Natapos na ang karakter ni Arjo Atayde na si Joaquin Tuazon sa teleseryeng “Ang Probinsyano.” Ito ay matapos niyang pahirapan si Cardo (Coco Martin) at si Alyana (Yassi Pressman). Marami ang pumuri sa pagganap ni Arjo bilang si Joaquin.

At sa kanyang pamamaalam sa teleserye ay maraming nalungkot at isa na dito si Yassi.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Yassi ang kanyang mensahe para kay Arjo:

“Wala kaming ipagpapasalamat sa mga ginawa ni Joaquin Tuazon dahil sa mga hindi masikmurang kasamaang ginawa niya. Pero kung gaano man po kami at kayo galit sakanya, ay kabaligtaran naman po ng pagkakaibigan at pagmamahal namin kay @ArjoAtayde dito sa aming set. Di ka namin mamimiss sabi mo diba? Bisita ka agad sa’min Brother!!! 👏🏻 Paalam Joaquin! Napakahusay mo!!!! 👏🏻 #FPJAPBagongBuhay”

(Photo source: Instagram – @yassipressman)


Share This Post