Vice President Leni Robredo addressed her supporters as the count for the presidency continues to come in.
Unofficial reports showed UniTeam candidate Bongbong Marcos Jr. leading way ahead than Leni and other presidential candidates.
On Facebook, VP Leni called on people to be calm, respect and listen to the voice of the people.
Here is part of VP Leni’s speech:
“Alam kong hindi madaling tanggapin sa inyo ang mga numerong lumalabas sa quick count. Hindi lang panghihinayang, kundi malinaw na pagkadismaya ang nararamdaman ng ating hanay.
Mulat din ako: Ang pagkadismayang ito, maaaring lalong kumulo, lalo pa dahil may naiulat na irregularities sa halalang ito. Hanggang ngayon, mayroon pang mga taong hindi pa nabibilang ang boto.
Gayumpaman, sinasabi ko sa inyo: Alam kong mahal natin ang bansa, pero hindi puwedeng maging ugat pa ng pagkakawatak-watak ang pagmamahal na ito.
Bagaman may hindi pa nabibilang; bagaman may mga tanong pa ukol sa eleksyon na ito na kailangang matugunan: Palinaw na nang palinaw ang tinig ng taumbayan. Sa ngalan ng Pilipinas na alam kong mahal na mahal rin ninyo: Kailangan nating pakinggan ang tinig na ito, dahil sa huli, iisa lang ang bayang pinagsasaluhan natin.
Maging panatag sa inyong ambag: May nasimulan tayong hindi pa kailanman nasasaksihan sa buong kasaysayan ng bansa. Isang kampanyang pinamunuan ng taumbayan. Isang kilusang nabuo hindi lang para baklasin ang luma at bulok na sistema, kundi para magpanday ng totoo at positibong pagbabago.
Kaya sinasabi ko sa inyo ngayon: Walang nasayang; hindi tayo nabigo. Pinakamahalaga: Hindi pa tayo tapos. Nagsisimula pa lang tayo. May landas na nagbukas, at hindi ito sasara kasabay ng mga presinto; may kilusang isinilang, at hindi ito papanaw sa pagtatapos ng bilangan. Ang namulat, di na muling mapipikit. Hindi natin kailanman hahayaang makatulog muli ang pag-asang nagising.
Wala nang mas lilinaw pang patunay sa naabot natin sa kampanyang ito: Nasa kamay ng karaniwang Pilipino ang tunay na kapangyarihan. Kayo ang totoong namumuno. Sumusunod lang ako.
Wag mapagod. Bukas at magpakailanman, magkakasama ang lahat ng Pilipino. Maraming, maraming salamat. Mabuhay ang sambayanang Pilipino.”
(Photo source: Facebook – @VP Leni Robredo)
You must be logged in to post a comment Login