Connect
To Top

Ai-Ai delas Alas gets emotional on her “The King” opinion: “tinawag nila akong bobo, walang alam, walang kwentang artista”

Actress Ai-Ai delas Alas shared her sadness over the criticisms she received for simply giving her honest and personal opinion about the Korean drama series “The King: Eternal Monarch” starring Koren superstar Lee Min Ho.

“sorry hindi kagandahan itong palabas na to para sa aking panlasa.. masyado ako dis appointed … hindi mo maintindihan ang flow ng korean novela na to ..” posted Ai-Ai on her Instagram account.

==========

Related Stories:

==========

In another post, Ai-Ai shared her opinion about the whole incident:

“Una sa lahat hindi ko alam bakit umabot sa ganito ang mga ugali ng mga tao sa panahon ngayun.. Sa 30 years ko sa industriyang ng telebisyon at pelikula , hindi ko inaasahan na makakaranas ako ng ganitong pang babastos ng dahil lamang sa nanood ako ng kdrama na hindi naayon sa aking panlasa…pagmumura ng mga kabataan at pambabastos ng mga tao at maging ng isang guro na dapat ay maging isang ehemplo para sa kabataan.. Diba, nakakatawa mang isipin na ang palabas na ito na THE king ay nakakuha ng all time low ratinGS ayon sa soompi( korean website) meaning pati mga koreans ay marahil hindi din nagustuhan ang palabas na ito ..

nalungkot lang ako dahil mga kababayan ko pa ang nagmura at nilait ako at tinawag ng kung ano ano … mga kababayan kong kahit papano sa 30 taon ko sa telibisyon at pelikula ay napangiti o napatawa ko sa munti kong kakayahan sa pagpapatawa na talentong bigay ng panginoon sa akin .. ngunit ng dahil lamang sa KDRAMA ito ay tinawag nila akong bobo , walang alam, walang kwentang artista……

Bilang isang ina, tinuturuan ko ang mga anak ko na maging magalang sa mga tao lalo na sa mga nakakatanda sakanila. Pero tinuruan ko din sila na lumaban ng patas lalong lalo na kung sila ay naapi. Nakakatawa nga kasi hindi nila sinusn😆😊 yung advice ko. Hinahayaan nila mga taong umaapi sakanila, pero pag dating sa mga bashers ko dun lang sila nag sasalita. At proud ako kasi hindi sila sumasagot ng bastos, they can still objectively participate in arguements.. ( sana ang kabtaan ay ganito din pero sa panahon ngayun ay ginagamit nila ang social media upang mailabas ang kanilang saloobin ng taliwas sa magandang asal at pag uugali ng isang tao ..)

Sana maging aral ito sa mga cyber bullies. Maari naman kayong mag voice out ng opinyon or pakiramdam at saloobin ,pero hindi nyo kailangan murahin at durugin ang pagkatao ng isang tao tao na wala naman ginawa sa inyo kundi mag lahad ng kanyang opinyon sa palabas na hindI nya gusto ( iba din ito sa pagkakaintindi nyo na hindi ko naintindihan )sana din respetuhin nyo lahat ng tao sa industiryang kinagagalawan namin. Hindi natin alam mga pinag dadaanan ng bawat isa, kaya dapat we think before we click. GOD BLESS”

(Photo source: Instagram – @msaiaidelasalas @pinterest)

You must be logged in to post a comment Login

More in News