Connect
To Top

ABS-CBN may start terminating employees in the coming weeks

ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak said that the company may start terminating workers in the coming weeks due to the continued shutdown of ABS-CBN operations. Here is there official statement:

“Ang ABS-CBN po ay ang aking pamilya. Sa mga nakalipas na linggo, nagdurusa po ang pamilya ko. Nag-aalala sila na mawawalan sila ng trabaho. May mga nagsasabi sa social media na nagpapaawa lang kami, sana po makausap nyo ang isang tatay o nanay na mawawalan ng hanapbuhay. Sana po maramdaman ninyo ang takot nila kapag iniisip nila kung paano nila bubuhayin ang kanilang pamilya. Hindi po kami nagpapaawa.

==========

RELATED STORIES…

ABS-CBN CEO Carlo Katigbak warns network might retrench workers soon

==========

Sa mga darating na linggo, mapipilitan na kami na maglabas ng listahan ng mga empleyado na mawawalan ng trabaho. Sinasabi ng mga bumabatikos sa amin, the law is the law. And we agree.

Under the law, we are innocent unless proven guilty. Up to now, there is no court that has determined we have broken any laws.

Sabi ng BIR, bayad ang aming buwis. Nanggaling sa SEC na aprubado sa kanila ang pag-issue ng mga PDR.

Ang DOJ ang nagsabi na hindi labag sa prangkisa ang KBO. Ang DOLE ang nagsabi na sumunod kami sa lahat compliance order nila.

Inaamin namin hindi kami perpektong organisasyon. May kakulangan din kami pero handa kaming ayusin ito. Ang “Pantawid ng Pag-big” ay nakapaghatid ng pagkain sa 3 milyong tao sa NCR, Laguna, Cavite, Rizal at Bulacan.

Sa aming mga kapamilya, maraming, maraming salamat sa lahat suporta na ibinibigay nyo samin.

Sana’y maiparamdam nyo sa inyong mga mambabatas kung gaano kahalaga ang ABS-CBN sa inyo. Wala po kaming nilabag na batas. At nangangako kaming patuloy kaming magsusumikap na mas maging mabuting kompanya.

#IbalikAngABSCBN”

(Photo source: Instagram – @abscbnfilmrestoration)

You must be logged in to post a comment Login

More in News