Connect
To Top

Anak nina Neri at Chito Miranda na si Miggy may sariling condo unit na

Neri Miranda showed everyone a condo unit they invested for their son Miggy. Neri said it took them years to finish their payments and was glad that it is finally over.

Neri is now in the process of furnishing the unit and plan to rent it out. Revenue from the condo will go directly to Miggy’s bank account so that he would learn how to handle and managed money.

Neri posted a couple photos and videos of the condo unit with the following message:

“Miggy’s Condo for rent… soon!

Hay salamat at natapos ko na rin bayaran ang condo ni Miggy. Ilang taon din yun ah! Pre-sell ko to nabili, kakaumpisa palang ni Miggy maglakad nun, tapos may nagbigay sa akin ng flyer sa SM The Block habang nilalakad ko si Miggy. Tapos nagandahan ako kase walking distance lang sa malls at mga opisina saka maganda ang mode of payment, hulugan! Hihi! Hindi ko kaya isahang bayaran. Nagpapakatotoo lang.

At ayan na ngaaaa! ๐Ÿ™ Nairaos din! Actually di alam ni Chito na nag down ako dito. Nalaman na lang nya nung nakatanggap sya ng email galing sa SMDC ๐Ÿ˜… sabi nya, “may natanggap akong email at nag congratulate sa akin for buying a condo. Di naman ako bumibili….. (long pause, sabay tingin sa akin) hindi ka naman bumili ng condo, di ba?” Napasmile na lang ako kase buking ako ๐Ÿคฃ medyo nag alala lang sya kase baka raw di ko mabayaran pero sabi ko kaya ko naman. Ayun, buti na lang natapos din! ๐Ÿ˜…

Iniisip ko nga kung lalagyan ba ng gamit o bare ko paparent? Sa mga nagpaparent po dito, ano ang ma-suggest nyo po?

Yung kikitain dito, diretso sa bank account ni Miggy. Para habang bata palang, turuan ko nang humawak ng pera at maging entrepreneur.

Ngayon, hanap na ako ng preselling condo ulit para naman kay Cash โค

Kapag may ipon ka, invest mo. Wag lahat ng pera ha? Kase kailangan nyo ng emergency fund, insurance, saka monthly allowance. Yung sobra lang, invest mo baka magastos pa sa iba. Sayang kase kapag di mo nakikita yung pinaghirapan mo. Kahit maliit na investment basta maging wais sa pinaghirapan nating pera.

(Photo source: Instagram – @mrsnerimiranda)

You must be logged in to post a comment Login

More in News