Connect
To Top

Angelica Panganiban appeals to netizens: “Tratuhin niyo naman kaming mga tao”

Actress Angelica Panganiban expressed her sadness and disappointed over the loss of jobs of ABS-CBN, and how some netizens can still laugh and rejoice over the incident. Angelica added that hurting words cannot make them perish but hunger can.

Angelica in a series of tweets made her opinions and sentiments be heard:

==========

Related Stories:

==========

“Nanahimik dahil hindi kayang buuin ng salita ang nararamdaman ko. Galit, takot, pangangamba. Ilang buwan nang nag iisip paano na ang kasamahan namin sa trabaho. Ang pamilya nila. At dumating na ang araw na napakahirap tanggapin.”

“Serbisyo para sa bayan ang dapat na inuuna ng mambabatas natin. Sa ginawa nila, sarili nila ang inuna nila. Sa totoo lang, hindi po namin responsibilidad ang mga empleyado na nawalan ng trabaho. Pero nandito kami. Nagsasalita, para sa kanila. Bakit? Kasi siguro yun ang makatao.”

“Tratuhin niyo naman kaming mga tao. Kaming lahat na nawalan ng trabaho. Nawalan ng tahanan. Paano niyo kayang sikmurain na pag tawanan ang kapwa ninyo pilipino na nawalan ng kabuhayan? Pilipino sa kapwa pilipino na ang naglalaban laban. Tama pa ba yon?”

“Hindi namin ikakamatay ang masasakit ninyong salita laban sa amin. Pero, ikakamatay ng marami sa kasamahan ko at ng mga pamilya nila ang gutom na mararanasan nila sa mga darating na araw. Tapos na ang panahon para matakot.”

(Photo source: Instagram – @iamangelicap)

FEATURED VIDEO:

You must be logged in to post a comment Login

More in News