Connect
To Top

April Fools’ Day joke ba ito: Julia Montes nanganak na daw?

Narito ang post ni Ogie:

“Congrats sa isang aktres na isa nang ganap na ina courtesy of her bf na sikat na aktor.

Totoo bang habang umiiri sa delivery room (sa isang ospital sa San Juan) ay nakatakip ang mukha ng aktres para hindi makilala? Anyway, anuman ang rason dito ng aktres, intindihin na lamang natin. Baka may pinaniniwalaang feng shui na mas magaan ang pakiramdaman ng delivery habang nakatakip ang mukha ng isang nanganganak.

Siguro din ayaw muna ng aktres na kumalat nang bongga at inihahanda lang nila ng aktor ang announcement pag naka-recover na sa panganganak ang bagets. Kung idenay man nila ‘yung “takip ng mukha,” wala din namang problema. Baka na-misinterpret lang ng nakausap ko.

Anyway, kung hindi ako nagkakamali, babae ang anak nila. Pero kung nagkakamali ako, malamang, lalake.??

Naalala ko yung aktor noon nung “maudlot” ang pagiging ama niya nung araw. Pero at least ngayon, isa na rin siyang ganap na ama. At ang ganda pa ng kumbinasyon nila sa bata.

Pwede din silang humingi ng payo sa akin ha? Alam na. Lima ang anak ko. Pwede din akong ninong. Hehehe.

For now, congrats sa kanila and be the best parents in the world, ha? ????

#DiPoItoPangAprilFoolsDay
#KungAyawNyongManiwalaEhDiWag”

Totoo man o joke man ang usapang ito ay marami ang natutuwa at masaya para kina Julia at Coco. Matagal ng balita ito nguni’t nananatiling tikom ang bibig nina Coco at Julia. Abangan na lang natin kung ano ba talaga ang totoo.

(Photo source: Instagram – @akosilolitsolis)

Pages: 1 2

You must be logged in to post a comment Login

More in News