Sa tagal ko nang nag-cover ng mga budget hearing sa Senado (halos dalawang dekada) , ngayon lang ako nakakita ng isang government official na nakipag-banggaan sa mga kinatawan ng taumbayan .
Ang budget hearing kasi ay proseso ng pagdepensa ng mga pinuno ng departamento para sa hinihingi nilang pera . Tila para silang maamong tupa.
Kayo ba , kapag humihingi kayo ng baon sa inyong magulang , ikaw pa ba ang mayabang o magmamalaki ?
Ang tinatawag na ‘power of the purse’ ay solong kapangyarihan ng Kongreso . Bahagi ito ng ‘check and balance’ sa tatlong ahensiya ng gobyerno para matiyak na mapunta sa mamamayan ang buwis na nakukolekta at hindi maabuso o manakaw.
Lumitaw pa sa Kamara na ang 2022 Confidential Funds sa OVP na nasa p125 milyong piso , umabot sa P73.28 milyong piso ay idineklarang ‘DISALLOWED ng Commission on Audit (COA) o mali ang pagkakagamit.
Abangan ang susunod na survey ratings ng mga lider ng ating bansa . Sa huling ‘non commissioned’ ng OCTA Research , naungusan na ni Pangulong Marcos si VP Sara.
Walang Personalan.
(Photo source: Youtube Screengrab)
You must be logged in to post a comment Login