Veteran broadcaster Arnold Clavio shared his views on the movie teaser of “The Rapist of Pepsi Paloma.” Directed by Darryl Yap.
On Facebook, Arnold said:
“EHEM: Inilabas na ang trailer or teaser ng pelikula na The Rapist of Pepsi Paloma para sa taong 2025.
At dito ay matapang na binanggit ang pangalan ni Bossing @vicsottoofficial bilang ‘rapist’ ng nagbigting dating bold star na si Pepsi Paloma o Delia Smith sa totoong buhay .
Puwedeng magtago sa artistic freedom ang direktor pero hindi sa mga umiiral na batas . Maliban kung may public record ang korte batay sa akusasyon. Baka iyon ang intensyon , ang manggulat !
Ilang dekada nang binubulabog ang pilipino ng isyung ito . Tuwing may malalaking mga problema ang isyung ito ay laging panligaw .
Pero tanda ko , sa panayam ni @juliusbabao kay Coca Nicolas , kaibigan ni Pepsi , na ang rape issue ay ‘gimik’ at gawa-gawa lamang ng kanilang manager – ang namayapang si Dr. Rey Dela Cruz .
Dalawang Sotto ang tumatakbo sa Eleksyon 2025 . Si former Senate President Tito Sotto , kapatid ni Vic at si Mayor Vico Sotto ng Pasig City , anak ni Vic kay aktres na si Connie Reyes.
Nagpapa-kontrobersya ang nasa likod ng pelikula at ang pag-iingay na ito ay malinaw na paghingi ng simpatiya . Dahil malabo itong mapayagan ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) na may hayagang paninirang puri o defamation . Sino ang source of information ng eksenang napanood ? O ito ba ay bahagi ng isang panaginip ng mga karakter ?
Huwag nating kalimutan na ang Chairman at CEO ngayon ng MTRCB ay walang iba kundi si Lala Sotto-Antonio , anak ni Titosen at pamangkin ni Vic.
Tandaan , sa mundong ginagalawan natin hindi dapat mawala ang respeto sa kapwa at pagiging disente . May mga norms at ethics na dapat sundan.”
(Photo source: Facebook – Arnold Clavio)
You must be logged in to post a comment Login