Basher to Jessy Mendiola: “parang kulang lang po kayo sa pansin”

Basher to Jessy Mendiola: “parang kulang lang po kayo sa pansin”

Sinagot ni Jessy Mendiola ang isang basher na nagpost sa comment section ng kanyang Instagram account. Nagpost si Jessy ng isang larawan nila ni Luis Manzano. Sa comment section ay sinabi ng basher na:

“Sana po ata kesa magpopost kayo o ibalandra ny iyong katawan nyo. Try nyo po munang tumulong sa iba. Promise mas masarap po ang mag post sa instagram na puno ng pagmamahal iyong ginagawa nyo po.. kesa sa parang kulang lang po kayo sa pansin 🙂 just saying ate :)”

==========

Related Stories:

INSTA PIC: Prenup photo ba ito nina Jessy Mendiola at Luis Manzano?

Jessy Mendiola attends Ricky Lee’s scriptwriting workshop

Jessy Mendiola thanks TC Candler for being on the list of “100 Most Beautiful Faces of 2017”

==========

Sinagot naman ito ni Jessy ng:

“bakit ko naman ipopost online yung pagtulong ko? Yung ganong bagay pribado yun. ?Tsaka anong pagbabalandra ng katawan sinasabi mo? Nakikita mong nakadamit naman kami ni Luis sa post na to. Masyado mong napapansin posts ko, unfollow ka nalang. Mwah ??”

Sinegundahan naman ito ni Luis Manzano at nagpost din ng kanyang saloobin: “te, mag “just saying” ka na nga lang nagtatago ka pa. Siguro baon mo araw araw foil at sachet no?”

(Photo source: Instagram – @senorita_jessy)


Share This Post