Connect
To Top

Bianca Gonzalez sa pag house-to-house campaign: “Napakarami pala talaga ng UNDECIDED pa”

Kapamilya star Bianca Gonzalez shared some things that she noticed after joining a house-to-house campaign.

It can be recalled that recently, Bianca has been active in expressing her support to presidential aspirant VP Leni Robredo and her running mate vice presidential aspirant Sen. Kiko Pangilinan.

In a lengthy post on her social media account, Bianca shared her experience when she joined a house-to-house campaign for Leni-Kiko tandem. In the video that she shared, Bianca can’t help but shed tears when a woman named Gemma started crying. Later on, Bianca shared the things that she noticed after joining house-to-house campaign as she wrote:

“#TaoSaTaoParaKayLeniKiko!! Siya si Ate Gemma, labandera at basurera. Ang kanyang asawa ay nagtatrabaho sa ospital, pero sadyang kulang daw ang kinikita, sila’y may tatlong batang anak na lalaki. Pagkatapos makinig at makipag-usap, si Ate Gemma mismo ang kusang nagtanggal ng tarp sa bahay nila, at pumayag na maglagay ng Leni-Kiko tarp. Hinding hindi ko makakalimutan ang nangyaring ito, at mas lalo akong nabuhayan na ipanalo natin ito para sa atin at sa mga katulad ni Ate Gemma na ang tanging hiling ay umangat ang buhay para sa pamilya.

Sa mga nagtataka bakit may Spiderman… siya po ay isang government worker at bawal po sa kanila ang sumuporta sa kandidato. Pero sa kagustuhan niyang tumindig para kina Leni-Kiko, para hindi siya makilala, ito ang paraan niya 🙏🏽

Sa mga mag H2H o palengke/office/terminal visit, share ko lang mga napansin ko na baka makatulong:

1. Malaking bagay sa kanila kapag tinatanong ang pangalan nila at kung anong ginagawa sa buhay. When they say their name, repeat their name. Nagiging mas bukas sila when they feel that they matter, when they feel seen, dahil lahat tayo, gusto lang naman natin maramdaman na mayroong may pakialam sa atin.

2. Napakarami pala talaga ng UNDECIDED pa. Yung mga voters na hindi passionate about any of the candidates, so bukas talaga silang makinig. Iba ang epekto nung may supporter si Leni na pinuntahan sila mismo sa bahay nila, kinamusta ang kalagayan nila, malaking bagay para makumbinsi sila kasi nagmalasakit sa kanila.

3. Maging sensitibo sa kakausapin. May napuntahan ako na solid supporter ng ibang kandidato, matagal na daw silang loyalist. But she was very respectful at pumayag din na bigyan ko ng Leni comics.

4. Sa social media lang talaga ang murahan. Pag tao sa tao, may respeto lahat, walang bastos. Naniniwala ako tayong mga Pilipino, sadyang ma-respeto at hindi bastos.

Ang mga nakikita ninyong H2H posts, pawang mga#VolunteersForLeni lahat. Wala pong kapalit kundi pag-asa para sa isang Presidente na masipag, nakikinig, may malasakit sa ordinaryong Pilipino, tapat at walang nakaw na yaman, at laging present at umaaksyon sa anumang sakuna lalo nung pandemya. Kaya tara, #IpanaloNa10ParaSaLahat!!”

(Photo source: Instagram – @iamsuperbianca)

You must be logged in to post a comment Login

More in News