Veteran broadcaster Arnold Clavio suffered a hemorrhagic stroke after playing a round of golf in Antipolo. Arnold said on his way home, he felt a different sensation on his right hand and leg.
He stopped in a nearby gasoline station to check himself, and then drove himself to the nearest hospital.
Here is his narration:
“Narito ang kuwento ko …
Isang regular na araw .
Pauwi na ako galing Eastridge Golf Course . Habang nasa biyahe , nakaramdam ako ng matinding pamamanhid sa kanang braso at binti . Di ko na rin maramdaman ang pag-apak sa pedal ng gas at break .
Huminto ako sa isang gasoline station para i-check ang sarili ko . Papunta ng restroom , hindi na ako makalakad . Kailangan ko na may mahawakan . Agad kong tiningnan ang sarili ko sa salamin kung tabingi ba ang mukha ko o maga ang mata ko . Wala naman kaya balik na ako sa sasakyan . At hindi ito naging madali .
Sabi ko , titigil ako sa unang ospital na makikita ko . Kaya mula Antipolo , maingat ako na nag-drive sa Sumulong highway hanggang makarating ako sa Emergency Room ng Fatima University Medical Center .
Doon inasikaso ako at after ilang test , lumitaw na ang blood pressure (BP) ko ay nasa 220 / 120 at ang blood sugar ko ay umabot ng 270 .
Inirekomenda na isailalim ako sa CT Scan . Doon nakita na may ‘slight bleeding’ ako sa kaliwang bahagi ng aking utak . At sa oras na yon , ako ay nagkaroon na ng ‘HEMORRHAGIC STROKE’ !
Inilipat ako sa St. Lukes Hospital para ma-obserbahan pa . Agad akong inasikaso sa ER ng kanilang brain attack team at dinala sa Acute Stroke Unit ng ospital para ganap na bantayan ang aking BP at sugar .
ARAL: Feeling ok does not mean your ok … Feeling good does not mean we’re good .. Listen to your body .. Traydor ang hypertension ! Always check your BP .
Thank you Lord . I personally experienced your MIRACLE . 🙏
Abangan ang iba ko pang kuwento ….”
(Photo source: Instagram – @Arnold Clavio)
You must be logged in to post a comment Login