Actress and comedianne Candy Pangilinan can’t help but be emotional as she opened up about her struggles on being a single parent and raising her son, Quentin who was diagnosed with Autism.
In the latest YouTube vlog of actress and TV host Toni Gonzaga, Candy shared the challenges that she faced as a single mother to her son Quentin.
“Actually yung rejection, marami kasi eh. Sobra, ang dami. Yung a-attend ka ng party walang naglalaro sa anak mo. So si Quentin, umabot sa pag alam niyang aattend ng party, nagdadala ng sariling laruan. Siguro alam niyang walang maglalaro sa kanya. Tapos dahil single mom ako, I had experienced also na yung sa school, hindi ako tinatanggap kasi single mom.” Candy shared.
Candy also recalled the time when she hosted a graduation ceremony for her son because the school principal wont allow Quentin to go up on stage to join the graduation ceremony.
“Sinama na sa practice si Quentin. Isang araw, tumawag saakin (yung yaya), umaga galing akong taping, umiiyak… Pumunta ako sa eskwelahan. Nakita ko si Quentin nandun sa isang tabe nag lalaro. Yung yaya nandun sa isang tabe umiiyak. Tapos to make the long story short, nakita nung principal, pinull-out nga.” Candy shared.
“Nag punta ako sa Principal nag tanong ako, ‘bakit po? Hindi ho siya ga-graduate’. Sabe niya, ‘hindi lang naman ho kinder ang ga-graduate may ibang levels din, pano pag nagwala ang bata nakakahiya,’…Naiyak ako sa principal. Nagmakaawa ako. So ayaw pumayag nung Principal…”
“So nung pauwi na kami… Ito na si Quentin, nung time na yun ni Quentin hindi pa magaling magsalita. Sabi niya, ‘What’s wrong?’ Sabi ko, ‘Nothing.’ Tapos sabi ko sa kanya, ‘Quentin, do you want to go back there later?… Practice tayo ng going up and down the stage para for your graduation.’ … Hinawakan niya ‘yung kamay ko, sabi niya, ‘No, Ma. I’m good. I’m okay.’ Lalo ako naiyak. Kasi parang sinabi sa akin ng anak ko, ‘Hindi na, Ma. Okay lang. Okay na tayo,'”
“Sa awa ko, kinaibigan ko yung barangay captain namin. Di ba gumagawa ako ng events, so meron akong red carpet. Gumawa ako ng sariling graduation sa plaza. Kami kami lang. Nag-invite ako ng mga taga-church, taga-palakpak. Grumaduate siya sa plaza namin.” Candy shared.
(Photo source: Instagram – @candypangilinan)
You must be logged in to post a comment Login