Connect
To Top

Candy Pangilinan naiyak nang maging altar server si Quentin

Actress Candy Pangilinan got emotional after her wished to see son Quentin becoming an alter server came through. According to Candy, Quentin started his training to be an alter server.

“Maraming Salamat po sa inyong mga messages. Nakatanggap po ako ng mga messages na willing po sila turuan si Quentin at ito ay galing kung saan-saan parokya.

Naluluha ko pong kinuwento sa mama ko na marami ang nanalangin at gusto tumulong kay Quentin. Ang ending. Kami ang naiyak sa kabutihan mg inyong mga puso.

Pati sotana ay meron gustong magregalo. Salamat po. Sa dami ng messages niyo, pumayag na po ang pinuno ng altar server ng aming parokya na turuan si Quentin. Praise God talaga. Magsisimula na po ang training ni Quentin pagkatapos ng Novena masses. Ngayon po, siya ay sasama sa altar servers para mag – observe.

Our Lady of Mt. Carmel please continue to intercede for our prayers.

Amg mga kuya at lolo Lay Ministers na siyang kumupkup at sinamahan si Quentin hanggang sa kanyang paglaki sa loob mg simbahan ay tuwang tuwa sa magandang balita. Maraming Salamat.

Madami din siyang kaibigang lay minister na di po nakikita dahil di na nag-seserve dahil senior na. At ang kanyang bestfriend lay minister ay pumanaw bago nagpandemya. Unang beses nagkwento sa aking ang teacher ni Quentin, sabi daw ni Q ” I am sad, my friend died.”.

Tonight I offer a prayer to everyone reading this post. May God always keep you and your family safe. Be happy. In our journey, we are never alone, God is with us. Good night.”

(Photo source: Instagram – @candypangilinan)

You must be logged in to post a comment Login

More in News