Connect
To Top

Chito Miranda ibinahagi kung bakit tumagal ang ‘Parokya ni Edgar’

Parokya ni Edgar frontman Chito Miranda expressed his love and loyalty to his band.

In his Instagram account, Chito posted a throwback photo of him with his bandmates. Chito expressed his admiration to all his bandmates and to those who made their albums successful. Chito shared that he even pointed out how incredible his bandmates are in every song to his wife, actress Neri Naig.

Chito also shared his honest thoughts and opinions on why the ‘Parokya ni Edgar’ has lasted for many years. Chito also shared his reason on why he can’t go ‘solo’ as he wrote:

“Sinoundtrip ko ulit yung bagong album namin nung bisperas ng bagong taon, habang nakatambay sa tapat ng bonfire.

Sobrang amazed na amazed ako sa talent and skill ng mga kabanda ko, at ng mga artists and engineers that were involved in creating the album, at sobrang thankful ako kasi I got (and get) to work with them.❤

Bawat song, I’d point out to Neri kung gaano kagaling yung kabanda ko, or yung katrabaho namin na artist, arranger, or engineer on that track, and explain to her kung paano at gaano nila pinaganda yung kanta.

Sa kalagitnaan sa album, Neri asked me, “Eh ikaw? Hindi mo ba bibigyan ng credit ang sarili mo? Hindi ka ba magaling?”

Napa-isip ako…sabi ko “alam ko naman na magaling ako (sabay tawa ng slight) pero di talaga dumaan sa utak ko at all na may kinalaman ako sa kagandahan ng mga kanta.” (kahit ako pa yung sumulat hahaha✌🏼😅)

Hindi ako nagpapaka-humble ha? Hindi ko lang talaga na-isip.

Kaya din siguro tumagal ang Parokya eh. Kasi we rely on, and appreciate the people we work with, and credit them when we come up with something that we like and enjoy…more so than ourselves.

We always think that it’s somebody else’s “fault” why maganda ang isang kanta…instead of saying na “kasalanan ko kung bakit maganda yan.”

Kaya hindi talaga ako pwede mag-solo eh. Maliban sa fact na ayoko mag-isa at mas masaya talaga pag sama-sama, tumatak na sa ulo ko na hindi ko kaya gumawa ng magandang kanta na wala yung mga kabanda ko, at yung mga katrabaho namin.🤟🏼😎

Again, hindi ako nagpapaka-humble ha!

Aware lang ako na mas maganda yung kalalabasan ng mga ginagawa kong kanta sa tulong ng mga kabanda ko, at mga taong nakapaligid sa amin…and I acknowledge the fact that I am blessed to be working with talented people like them.

Wala lang.

Salamat, and Happy New Year.❤”

(Photo source: Instagram – @albords)

You must be logged in to post a comment Login

More in News