‘Parokya ni Edgar’ front man Chito Miranda broke his silence regarding the arrest of his wife Neri Naig for alleged estafa.’
On Instagram, Chito said his wife’s only mission to help people and there was never s time that she swindled or took advantage of any people.
“Praying na ma-sort out na ang lahat ng ito…kawawa naman yung asawa ko🙏🏼❤️
Never nanloko si Neri, at never sya nanlamang sa kapwa.
Never siyang kumuha or nanghingi ng pera kahit kanino man.
Alam ng lahat yan.
Tulong lang sya ng tulong hangga’t kaya nya.
Minsan kahit di na nakakabuti sa kanya.
Kadalasan nga, naaabuso na sya pero hinahayaan nya nalang, basta wala syang ginawang masama.
Pinapa sa Diyos nya na lang.
Tulad ngayon, endorser lang sya tapos ginamit yung face nya to get investors.
Kinasuhan sya ng mga nabiktima.
Tapos last week, bigla na lang syang inaresto for the same case kahit hindi pa sya binigyan ng notice na may bagong criminal complaint pala laban sa kanya, and di nya na-defend yung sarili nya.
Wala syang nareceive na letter from the prosecutor, walang subpoena, walang kahit anong notice.
Yung mga dati, nareceive namin nya, at nag comply sya, (alam naman ng lahat na madali kami mahanap sa Alfonso)
Anyway, dinampot na lang sya bigla.
(Nadismiss na yung mga similar na kaso sa ibang lugar, and we’re praying na sana ma-dismiss na din ito.)
Wala siyang kinuhang pera sa ibang tao, lahat ng pera nila na kay Chanda, ang may ari ng Dermacare.
Sobrang bait po ni Neri…as in sooobra.
Eto yung babaeng kinulong ninyo without bail, habang nakalaya pa yung mga tunay na may kasalanan.”
(Photo source: Instagram – @Neri Miranda)
You must be logged in to post a comment Login