Nagbigay na rin ng kanyang panig si Claudine Barretto patungkol sa totoong nangyari sa lamay ng kanyang pumanaw na ama na si Miguel Barretto. Ito ay pagkatapos magsalita ng kanyang ate na si Marjorie Barretto.
Ayon kay Claudine ay nahiya talaga siya kay Presidente Rodrigo Duterte dahil ito ay dumalaw upang makiramay, sinubok na pagsunduin silang magkakapatid nguni’t hindi ito nangyari. Isinasalaysay ni Claudine ang kanyang kwento sa radio program ni Jobert Sucaldito.
“Sabi ni President Duterte, sino pa ba dito ang di mo kasundo? Yung naka brown? Tapos tinuro niya si Marjorie. Sabi ni Gretchen, ‘Opo.’ Sabi niya, ‘Halika na ayusin ko na kayo.'” paunang kwento ni Claudine.
Nang magkaharap-harap na sila ay ito na daw ang nangyari:
“Nung nag-uusap na akala namin ‘mano’ yun pala shake hands pala. So parang sabi ni Marjorie, ‘Ako? Ako? Sir ako? Magmamano? Kanino sa yo? O sa kanya? Sa inyo po ako magmamano. Sa kanya hindi ako magmamano’ Sabi ko, ‘Marj stop it.’ Tapos sabi niya, ‘Hindi niyo ho alam kung ano ang ginawa niyan sa akin at sa mga anak ko. Sinira niya ang buhay ng mga anak ko,’ ganyan ganyan. So ako naman, kahit sinong taong nandoon, would stop her. Kasi that’s disrespecting the president. Sabi ko, ‘Stop it Marjorie.’ Sabi niya ‘Why? What if I don’t stop?’ So sabi ko, ‘Unbelievable. You’re unbelievable.’ Tapos sabi niya ‘Ah talaga unbelievable? Nagbabait-baitan lang kayo.’ Then nagwawala na siya. Yun ang nangyari, then sabi ko, ‘How dare you do this in front of the president?’ Sabi ko nakakahiya kasi nagpunta dito yun tao, nakiramay, ayun dun na yun start ng gulo.” patuloy na kwento ni Claudine.
Narito ang kanyang radio interview:
(Photo source: Instagram – @claubarretto)
You must be logged in to post a comment Login