Connect
To Top

Dalawang Miss Universe anchors hindi nagustuhan ng mga Pinoy fans

Dalawang anchors ng Miss Universe ang hindi nagustuhan ng mga Pinoy fans dahil daw sa may kinakampihan ang mga ito. Ang dalawang anchors na tinutukoy ng mga netizens ay sina Carson Kressley at Lu Celania Sierra.

Nang mapili na ang Top 5 ay nagbigay ng Top 3 list ang mga anchors kasama si supermodel Ashley Graham ang nagsabi na papasok sa Top 3 ang pambato ng Pilipinas na si Catriona Gray, samantalang ang dalawa ay iba ang pinili.

Ang sabi naman ng ibang netizens ay hayaan na ang dalawang anchors na tila hindi bilib kay Catriona. Ang importante daw ay naiuwi ni Catriona ang korona ng Miss Universe sa Pilipinas.

(Photo source: Instagram – @lucelaniasierra)

You must be logged in to post a comment Login

More in News