Connect
To Top

Entertainment columnist Ronald Carballo apologizes to Sharon Cuneta

Napakasakit na katotohanan yung, ang aking panulat na tumulong at nag-angat sa isang simpleng 15 year old na Sharon Cuneta na puno ng pangarap mula sa unang pelikula nyang “Dear Heart”, hanggang sa sya’y maging isang Megastar, ay ang panulat din na sumira at nanakit ng kanyang damdamin ng sobra-sobra.

Maling-mali ako. Sinsero ako at paulit-ulit akong humihingi ng tawad. Napakasakit din sa kalooban ko na ang natatanging minahal ko sa industriyang ito na higit pa sa tunay kong kapatid, na pinaglaanan ko rin ng higit sa kalahati ng buhay ko, ay sinaktan ko ng lubos. Mula sa maliit na hinampo, di ko rin mapapatawad ang sarili ko kung habang buhay na lang kaming magkakasakitan at hindi na magkakaunawaan kailanman.

Hindi na kami mga bata. Lalo ako. May mga karamdaman na rin ako at inopera na ko sa puso. Hindi ko na kakayaning mabuhay araw-araw nang may damdaming sinasaktan. Lalo ko lamang sinasaktan ang aking sarili. Nadala lamang ako ng mga inipong maling simbuyo ng damdamin.

Buong pagpapakumbaba, patawarin mo ko, Shawie. Sana makarating sa puso mo ang taus-puso kong paghingi ng tawad. Kung anuman ang pwede kong gawin para mabawi ang mga panahong nasayang sa pagitan nating dalawa, ay nakahanda akong pagsikapang muling buuin. Sana bigyan mo ko ng pagkakataong magkausap tayo ng maayos, upang sa Ngalan ng Panginoon, ay personal akong makahingi ng tawad sa iyo.

Di man ganung kadali, sana kahit paano, madugtungan pa ang mga magagandang pinagsamahan natin sa mahabang mga taon. Sana muli tayong magkaunawaan.

Muli, sana mapatawad mo ko. Mahal na mahal kita, Shawie…mula 1981 na sabay tayong nagsimula sa pelikula–hanggang ngayon. Patawarin mo ko…”

(Photo source: Facebook – @Ronaldo C. Carballo)

Pages: 1 2

You must be logged in to post a comment Login

More in News