Connect
To Top

Ethel Booba at Rufa Mae Quinto ginaya ang tweet nina Darren Espanto at JK Labajo

Nagkatuwaang gayahin nina Ethel Booba at Rufa Mae Quinto ang mga tweets nina Darren Espanto at JK Labajo na naging hidwaan ng dalawang singer. Nagtweet diumano si JK ng ‘gayness at its finest’ at sinabing na-hack daw ang kanyang account.

Hindi ito nagustuhan ni Darren kaya naman nagsimula ang palitan ng mensahe ang dalawa sa twitter.

Ginawa namang kakatawanan nina Ethel at Rufa ang pangyayari sa paggaya ng tweet nina Darren at JK. Nagtweet si Rufa ng ‘retoke at its finest’

Na sinagot naman ni Ethel ng :

“Timing ‘no? Dinelete ng “hacker” mo yung tweet na ‘to after kang kausapin ng management. Pag nahanap mo yung hacker mo puntahan niyo ako para malaman niyo kung sino yung totoong RETOKADA. @imrufamaequinto Charot!”

Natuwa ang karamihan ng mga netizens na nakakita ng ginawa ng dalawa at sinabing dapat na magkaroon ng sariling reality TV show ang dalawang komendyante.

(Photo source: Twitter – @imrufamaequinto)

You must be logged in to post a comment Login

More in News