Sa isang exclusive interview ay nagbigay ng kanyang observation ang isang doktor na base sa kanyang nakitang photo na kung saan binuhat si Eddie Garcia ng kanyang mga kasamahan, ay masasabi niyang hindi nasunod ang safety patient handling procedure o standards sa kaso ni Tito Eddie.
Naaksidente si Eddie Garcia sa taping at ayon sa report ay may neck injury ito at nasa critical condition ang veteran aktor.
==========
Related Stories:
Doctor says Eddie Garcia is in ‘critical’ condition
GMA7 investigates the absence of a medical team during Eddie Garcia’s taping
LOOK: Robin Padilla, Philip Salvador, Bong Go visit Eddie Garcia in the hospital
==========
Sa isang panayam ng Showbiz Chika, sinabi ng doktor na pinaka-mainam na hindi muna ginalaw si Tito Eddie at naghintay muna ng medic bago ito binuhat o dinala sa ospital.
“Kung totoo ngang may bali siya sa leeg, ang pag-galaw sa kanya ay maari pang makasama sa pasyente. Mas mainam sana kung naghintay munang dumating ang mga medic o ambulansya para malagyan siya ng neck brace at buhatin sya sa pamamagitan ng paglagay sa pasyente sa medical stretcher.” ayon sa doktor na nakiusap na huwag syang pangalanan.
Dahil na rin sa pag-aalala ay makikita sa mga photos na nagtulong-tulong ang mga tao na buhatin si Tito Eddie para madala agad sa ospital.
“May tamang pamamaraan sa paggalaw sa pasyente dahil kung hindi ay maaring ma-aggravate ang injury nito if not handled carefully and properly.” dagdag pa ng doctor.
Humihingi pa rin ng dasal ang pamilya si Tito Eddie para sa agaran niyang paggaling.
(Photo source: Instagram – @leanne_bautista)
You must be logged in to post a comment Login