Marami ang nagulat kasama na ang pamunuan at host ng bagong Eat Bulaga nang biglang nawala o natanggal ang kanilang Facebook account at Youtube channel.
Ayon sa balita ay tila tinanggal ata ng Facebook at Youtube ang account ng TAPE Inc., ‘Eat Bulaga Na.’ Sabi ng ilan, maari daw mangyari ito kapag may mass reporting na naganap.
Marami ang nanghihinayang sa pagkawala ng mga pages ng programa lalong lalo na at dumadami na ang kanilang subscribers at followers.
Sa live episode ng nasabing programa, nagsalita si Paolo Contis tungkol sa pangyayari:
“Hindi po kami hihinto sa pag-try na magkaroon ng Facebook page na yan” sabi ni Paolo.
“Report lang kayo nang report, post lang kami nang post! Hanggang sa mapagod kayong mag-report,” dagdag ni Paolo.
(Photo source: Instagram – @eatbulagana)
You must be logged in to post a comment Login