Connect
To Top

Harry Roque withdraws senatorial bid due to health condition

Harry Roque announced that he is withdrawing his bid for a Senate seat due to health condition which prevents him to do the rigorous requirement of campaigning.

On Facebook, Roque said he underwent a ‘percutaneous coronary intervention’ which made him decide to forego his plan to run for Senate.

On Facebook, Roque posted the following:

“Ikinalulungkot ko pong sabihin na akin pong inaatras ang aking pagtakbo bilang senador.

Kamakailan, ako ay sumailalim sa isang operasyon sa aking puso (percutaneous coronary intervention). At sa huling mga araw, kasama ang aking pamilya, ako ay napilitang harapin ang katotohanan ng aking pisikal na sitwasyon, at kung ano ang ibig sabihin nito para sa aking mga hangarin sa paglilingkod sa publiko.

Nais kong pasalamatan ang lahat ng sumuporta sa aking kandidatura. Tumakbo ako para maging senador dahil gusto kong maglingkod sa isang paraan na alam kong magiging epektibo ako. Anuman ang maaaring isipin ng iba ukol sa aking pulitika, ang mga nakakita sa aking trabaho sa parehong pampubliko at pribadong sektor ay maaaring magpatunay sa kung ano ang nais kong dalhin sa Senado. Sa kasamaang palad, sa sandaling ito, mukhang may iba pang mga plano ang Diyos.

Ako po ay umaasa na muling darating para sa akin ang karangalan na maglingkod sa mamamayang Pilipino bilang isang mambabatas, o sa anumang iba pang kapasidad na maaari akong maglingkod. Asahan po ninyong magpapatuloy ang ating suporta sa Pangulo at administrasyon na ito, dahil ang nais po lamang natin ang ikabubuti ng ating bansa.

Pagpalain tayo ng Diyos! Maraming Salamat po.”

(Photo source: Facebook – @Harry Roque)

You must be logged in to post a comment Login

More in News