Connect
To Top

Ivana Alawi on ‘bunti’s prank: “may dalawang side ang kwento”

Actress and content creator Ivana Alawi explained her side of the story concerning her ‘buntis’ prank uploaded on her social media accounts.

Netizens reacted to the said video involving a old man who helped Ivana despite his poor condition.

On Facebook, Ivana posted the following:

“Bilang isang Content Creator

Matagal na po ako gumagawa ng street pranks.

Alam ko na kailangan magpaalam palagi sa mga ipapakita ko na hindi naka blur, kung papanoorin mo ang latest vlog ko na “Buntis”, marami ang naka blur sa una at gitna dahil hindi kami humingi ng consent sa mga taong yun, at alam ko na bawal silang ipost kapag ganon dahil baka mababash at majudge lang sila. Ganon din sa iba kong mga pranks, lagi namin binblur.

Ngayon, may lumabas na sinasabing dapat ko i-down dahil nakakakuha ng pambabatikos sa kanya. Pero hindi naman siya tumanggi sakin nung hiningan ko siya, sadyang naunahan lang siya ni kuya Hesus mag abot at doon na nagfocus ang atensyon ko.

Marami po kaming raw footage nung Buntis Prank kung saan makikitang pumayag si kuya lumabas sa vlog ko pinaalam muna namin sakanya ito bago kami umalis, at madami pa ang nangyari na hindi na namin sinama sa vlog.

Pinakita namin sa kanya yung raw footage at nakalimutan lang daw niya at humingi siya ngayon ng pasensiya. Inaasar kasi daw sya ng mga taong kakilala nya na nakapanuod ng vlog ko na sayang ang 100k na dapat sa kanya napunta pero naunahan lang daw siya, kaya sya ay nakapag post ng ganun.

Ipinaliwanag namin sa kanya na para kay kuya Hesus talaga yun dahil sa nakita at na experience ko na kabutihan ng puso ni kuya Hesus

Paalala na din ito sa mga taong mahilig maniwala agad sa kung ano ang nakita sa social media.

Tandaan po na laging may dalawang side ang kwento. Salamat”

(Photo source: Facebook – Ivana Alawi)

You must be logged in to post a comment Login

More in News