Komedyanteng si Bentong pumanaw na

Komedyanteng si Bentong pumanaw na

Pumanaw na ang batikang komedyanteng si ‘Bentong’, Domingo Vusotros Brotamante Jr. sa totoong buhay. Ayon sa kanyang son-in-law Arvin Vincent Anierdes, pumanaw si Bentong sa edad na 55 sa Fairview General Hospital.

Ibinalita ni Arvin ang pamamaalam ni Bentong sa isang Facebook post:

“Rest in Peace Papa Bentong hindi ko akalain na heto na ang ating huling pagsasama alam ko kasama mo na ang Panginoon ngayon kaya panatag narin ang loob ko. Maraming maraming salamat Papa sa pag aaruga sa Pamilya naten. Maraming salamat din dahil napakarami mo napasayang tao. Mahal na mahal ka namin Pa.

#Bentong was born on January 12, 1964 in Tabaco, Albay, Philippines as Domingo Vusotros Brotamante He passed away this morning February 09, 2019 Saturday at approximately 5am in Fairview General Hospital.”

(Photo source: Instagram – @kapamilyakingdom)


Share This Post