ABS-CBN’s Entertainment Production Director Laurenti Dyogi answered the question that everyone is asking – What will happen to the Kapamilya stars now that ABS-CBN was not able to secure a franchise? Will they be transferring to other networks?
In his new vlog entry, Direk Lauren answer the question this way:
“Alam niyo po, bago po mawalan kami ng prangkisa ay may ilan na pong artist ang nagpaalam sa amin na lumipat sa ibang network. “Hindi naman po ito bago sa mga nakaraang panahon ay nangyari na po ito at pinayagan naman po namin sila. Ayaw namin na mapagkaitan sila ng hanapbuhay o kabuhayan” said Direk Lauren.
“Kaya po sa darating na panahon, maaari pong makita niyo ang mga Kapamilya stars o artists na magiging guest o magiging bahagi ng programa sa ibang network. Sa aming mga nakaraang pag-uusap sa ilan naming mga contract stars, nabalitaan namin o nalaman namin na kahit hindi pa naman nagbawas ng mga programa o kahit hindi pa kami nawalan ng prangkisa, marami na pong ibang managers o talent agencies na lumapit po sa aming artista para tanungin kung interesado silang lumipat o maging bahagi ng network.” added Direk Lauren.
“Alam niyo, nakakatuwang marinig po yun. It is flattering, it’s a compliment to us. Kasi dun po namin napapatunayan na ang aming mga kapamilya stars ay dekalibre talaga at in demand kaya hinahabol sila ng ibang mga agencies o management.” Direk Lauren said.
“Pero ang mas maganda pong balitang natanggap namin, marami rin po kaming nakausap na artista na they will stay loyal and they will stick it out with the Kapamilya network hanggang ito po ay makabangon. Tutulong po sila na magtaguyod sa pagbangon ng bagong ABS-CBN.” ended Direk Lauren.
(Photo source: Youtube screengrab – @Direk Lauren Dyogi)
You must be logged in to post a comment Login