Nagsalita na sa wakas ang former PBB teen housemate na si Loisa Andalio patungkol na usap-usapan na video scandal na diumano’y kinasangkutan niya. Nangyari ang nasabing interview sa kanyang guesting sa programang “Tonight with Boy Abunda’ na hosted ni Boy Abunda.
Ano nga ba ang masasabi ni Loisa sa nasabing video scandal?
Napakadami po Tito Boy. Una, kumbaga kahit anong pagsubok yung dumaan sayo, wag kang susuko. Kumbaga, lahat ng nangyayari dapat may lesson. Kasi kung walang lesson, wala lang yun, kumbaga para sakin na wag din magtiwala agad basta basta sa mga taong nakapaligid,” sabi ni Loisa.
==========
Related Stories:
WATCH: Awra Briguela reveals Loisa Andalio called him ‘unprofessional’
Loisa Andalio sumubok maging si ‘Darna’
WATCH: Ronnie Alonte pulls off romantic birthday surprise for Loisa Andalio
==========
“Ako kasi Tito Boy, parang magkita lang tayo isang beses, parang napakagaan na agad ng loob ko or parang sobrang kaibigan na talaga kita. Parang ganun po. Yun lang yun mahirap sakin pero natutunan ko din na, ayun, wag magtitiwala agad basta basta pero hindi masama maging mabuti sa kapwa.” dagdag pa ni Loisa.
Narito ang video interview:
(Photo source: Instagram – @twbaofficial)
You must be logged in to post a comment Login