Connect
To Top

Lolit Solis bilib sa pagiging hands-on ni Marian Rivera sa mga anak

Entertainment columnist and talent manager Lolit Solis expressed her admiration to Kapuso star Marian Rivera for being a hands-on mom.

On her Instagram account, Lolit posted a stunning photo of Marian. Lolit lauded Marian for being a successful business woman. Lolit also expressed her admiration to Marian for being hands on mom to her two adorable kids, Zia and baby Sixto.

According to Lolit, Marian’s husband, fellow Kapuso star Dingdong Dantes is lucky.

“Hanggang USA pala Salve sikat ang Flora Vida creations ni Marian Rivera. Imagine mo na nag request si Apple na ibili ko siya ng 2 linen aprons ng Flora Vida dahil gandang ganda siya duon sa nakita niya online, at sa binili ng iba niyang kasamahan.

Sabi nga ni Marian Rivera lagi daw meron silang pinadadala sa LBC na mga binili at order ng mga Flora Vida niya. Grabe naman na talagang lagi ay sold out ang mga stocks niya. Naku talagang business woman na siya na meron golden touch. Iyon flowers, ngayon mga damit at mga aprons, bongga parin. Naku noh, sobra ng suwerte iyan, grabe na.

At alam mo ba Salve na 6am gising na si Marian para ayusin iyon schooling ni Zia at paliguan si Ziggy. Ganuon siya ka hands on, kaya naman sobrang suwerte talaga ni Dingdong Dantes. Saan ka makakakita ng maganda na ang panlabas, ganda parin ng kalooban.

Saan ka makakita ng nanay na ganyan ka hands on sa pag aalaga ng mga anak niya. Sure ako na iyon dalawang bata will grow up na mabait at magalang dahil nakabantay sa kanila ang kanilang mother Marian. Wow Dingdong, sobra jackpot ka, sobrang suwerte.

Siguro talagang worthy ka dahil sa iyo binigay ni God si Marian. Bongga! Perfect combination. Good job. Forever talaga. #classiclolita#74naako #takeitperminutemeganun” Lolit wrote in the caption.

(Photo source: Instagram – @marianrivera)

You must be logged in to post a comment Login

More in News