Connect
To Top

Lolit Solis: “Contentment is the key to happiness”

Entertainment columnist Lolit Solis shared her reflection about life and its challenges, particularly those who envy what other people has.

Nanay Lolit added that people should be contented with that they and be happy for other people’s success and achievements.

On her Instagram account, Nanay Lolit posted the following:

“Hindi ako maka get over talaga Salve sa disappointment ko sa issue ng inggitera sa showbiz. Hindi ko kasi maisip na sa gitna ng pandemic meron parin kinakain ng inggit ang utak at hindi matanggap na dapat sa panahon ngayon maging masaya sa lahat ng blessings na dumarating sa buhay mo.

Ewan ko kung bakit meron parin discontented na tao na hindi maligaya sa kung ano meron siya, at naiinggit parin sa tinatanggap ng iba. Contentment is the key to happiness.

Kahit ano lang meron ka, basta maligaya ka at tanggap mo, tiyak na magiging masaya ang buhay mo. Pero kung meron ka na at naghahanap ka parin ng dagdag, tiyak magiging unhappy ka. Huwag mo kainggitan ang meron sa iba, huwag kang mangarap ng masyadong mataas.

Ma kontento ka sa bagay na nasa iyo. Kanya kanyang level ang binigay sa atin buhay kaya tanggapin natin iyon ng buong puso. Life is what we have, be happy with it. Basta buhay tayo, dapat maligaya tayo. Huwag hanapin ang wala.

Kung ano nandiyan, ok lang. Ang mahalaga, buhay ka, hindi naghihirap. Tama na iyon, huwag masyadong ambisyosa. Bad iyon. Mahirap abutin ang masyadong mataas.

Be happy, be contented. Mas masarap mabuhay pag ganyan”

(Photo source: Instagram – @akosilolitsolis)

You must be logged in to post a comment Login

More in News