Entertainment columnist Lolit Solis shared that King of Talk Boy Abunda sent a ‘love check’ for her dialysis session. Nanay Lolit added that she got emotional and cried knowing that there are a lot of people loving and caring for her.
Nanay Lolit said that the love check she received is already enough to cover her dialysis for the entire year.
On Instagram, Nanay Lolit said:
“Umiyak ako ng sabihin ni Gorgy na nagpadala ng love check si Boy Abunda para sa dialysis session ko; Salve. Na iyak ako dahil para bang ang dami talagang tao na nagmamahal sa akin.
Gusto ko nga magyabang na sa dami ng nagbibigay ng love check para sa dialysis ko, parang sa loob ng isang taon bayad na ang pagda dialysis ko. At hindi pagyayabang, marami pa akong tinanggihan. Tinatanggap ko lang ang tulong ng mga taong mahal ko, iyon puwede kong ipagtanggol, iyon I can take a bullet for them anytime.
Tinatanggihan ko iyon ibinibigay ng mga taong hindi ko masyadong type dahil baka iyon freedom of expression ko na magbigay opinion malagay sa alanganin dahil sa tatanawin kong utang na loob sa bibigay nilang tulong.
Sa pagkakasakit ko nakita ko na ang dami palang nagmamahal sa akin, na parang kahit ano mangyari nandiyan para tumulong. Sa mga alaga ko, nakita ko na parang tunay na Ina o mother ako ni Bong Revilla. Nagkaruon ako ng sense of security na kahit ano mangyari aalagaan niya ako.
Nakita ko ang willingness sa mga friends at nagmamahal sa akin sa bugso ng mga tulong na dumating. Kahit 1 year ako magda dialysis , meron na akong pambayad , at mas malaki pa mga tinanggihan kong tulong. My heart is full, dahil feel na feel ko ang dami ng mga kaibigan ko na gusto ako makitang gumaling.
Kay Salve at Gorgy lang parang mga kapatid na inaalagaan ako. Sure ako na kaya madali akong lumakas dahil sa dami ng nagdarasal para sa akin.
Super Thank You. Maraming salamat talaga. God is always good. Amen.”
(Photo source: Instagram – @akosilolitsolis)
You must be logged in to post a comment Login