Entertainment columnist Lolit Solis defended Kapuso prime time queen Marian Rivera over her statement regarding the traffic problem in the country which drew mixed reactions from netizens.
In her previous interview, Marian shared her opinion on how one can spend time while stuck on traffic, saying: “Kung may lakad ka, eh ‘di pumunta ka ahead of time para ‘di ka ma-trapik. Sa sasakyan, ‘pag trapik, andaming pwedeng gawin. Magcellphone ka, magsulat ka, eh ‘di ‘yun ‘yung ‘me’ time mo sa sarili mo, ‘di ba? So andaming pwedeng gawin mo ‘pag traffic.”
==========
Related Stories:
Marian Rivera releases statement following backlash over her interview about traffic
==========
Lolit then gave her reaction to Marian’s statement and defended the actress in an Instagram post.
Lolit wrote: “Sobra naman iyon reaction ng mga negatrons kay Marian Rivera-Dantes, Salve. Iyon naman talaga ang hindi ko rin maintindihan, iyon galit natin sa traffic. Kung traffic lang ganun na tayo ka-stressed at galit lalo na siguro sa mas malaking problema. Iyon traffic, given na, nandiyan na at mahirap nang iwasan pa kaya wala na tayong magagawa kundi tanggapin na parte na iyon ng buhay natin.
“Dahil ba sa traffic hihinto na ang bilis ng buhay mo? Dahil ba sa traffic hindi na gagalaw ang araw mo? Tutoo at kahanga-hanga nga na hindi nagpapaapekto si Marian sa traffic. Bakit nga naman dapat uminit ang ulo niya at masira ang araw sa isang bagay na hindi mo naman magagawan ng solusyon. Di ba ako mismo sinabi ko na para huwag kang mainis iyon oras na nasa traffic ka, gawin mo mga bagay na maaring mag-alis ng inis mo dahil nga nasa gitna ka ng traffic.
“Sige uminit ulo mo, ma-stress ka meron ka bang magagawang solusyon? Tutoo din na kung gusto mo huwag ma-late o maghabol ng oras umalis ka nang maaga. Marami apektado pero may magagawa ka naman, kung magagawa mo bakit kailangan isisi mo pa sa iba. Hindi magawa ang solusyon sa ngayon hintayin natin at umasa na baka maayos. Sa lahat naman nakita at naranasan ko rin ang traffic, sa Bangkok, sa Vietnam, Korea, Hongkong, Tokyo, lahat may traffic hindi lang sa atin pero tuloy ang buhay.
“Kung OK kay Marian bakit tayo magagalit? Kung sa kanya ayaw niya paapekto, bakit ikaw affected? Ang isang masamang ugali natin kasi masyado tayong complaining at pag iyon iba nakapag-adjust hindi natin maintindihan. iyon problema hindi dapat dinadala ng mabigat, maayos din iyan. Kung ano ang pakiramdam ni Marian tanggapin mo or better gayahin mo para tulad niya na maganda pa rin kahit ma-traffic baka sakali maging maganda din tayo, hindi bah! #classiclolita #takeitperminutemeganun #72naako”
(Photo source: Instagram – @akosilolitsolis/ @marianrivera)
You must be logged in to post a comment Login