Connect
To Top

Lolit Solis on Pres. Bongbong Marcos: “mukha naman ginagawa niya ang lahat para sa ikabubuti ng bayan”

Entertainment columnist and talent manager Lolit Solis expressed her honest thoughts and opinions about President Bongbong Marcos.

In her Instagram account, Lolit expressed her admiration as she can’t help but praisde Pres. Bongbong regarding his work ethics. It appeared that Lolit also can’t help but notice the appearance of Pres. Bongbong as she shared that his looks has changed since he became the President.

“Kung nanunuod ka ng TV Salve mula pa nuon hangga ngayon makikita mo malaki ang nabago sa hitsura ni PBBM. Nuon una kasi, ang cute cute niya at mukhang batang bata. Pero mula ng maging Presidente si Papa Bongbong Marcos parang tumanda at ang laki ng ipinagbago ng hitsura. Talaga siguro ang bigat ng trabaho na maging Presidente ka at leader ka ng isang bansa.

Ang daming problema, ang dami ng dapat ayusin. Ang hindi nawawala iyon parang ang sweet sweet nila ni First Lady Liza Marcos. Kahit saan okasyon makita mo sila talagang parang ingat na ingat siya kay FL Liza, talagang sobra ang alalay niya para dito.” Lolit wrote in the caption.

“Makikita mo na close ang family nila pati sa kanilang anak na si Cong Sandro Marcos. Sana nga ay maging magaan ang mga dapat gawin ni PBBM , sana nga magtagumpay siya na maayos mga problema ng bayan, sana nga maging mahusay ang takbo ng gobyerno natin. Mukha naman workaholic ang ating Presidente, mukha naman ginagawa niya ang lahat para sa ikabubuti ng bayan.

At sa tulong ng mga tao niya tulad nila Martin Romualdez , Erwin Tulfo, at Usec Honey Rose Mercado dapat gumaan ang anuman bagay dahil mahusay magtrabaho at dedicated ang mga tao na nasa paligid niya. Basta kahit ano pa, dapat lahat tayo naka suporta sa ating leader, si President Bongbong Marcos, para lalo pang tumibay ang atin bayan. Bangon Pilipinas, lagi natin mahal ang ating bayan.Pilipinas kong mahal👍#classiclolita” Lolit added.

(Photo source: Facebook – @Bongbong Marcos)

You must be logged in to post a comment Login

More in News