Connect
To Top

Lolit Solis reacts to box office results of “Isa Pa With Feelings”

Nagbigay ng kanyang saloobin ang entertainment columnist Lolit Solis patungkol sa pelikulang pinagtamabal nina Maine Mendoza at Carlo Aquino na “Isa Pa With Feelings.” Marami kasi ang nag-aabang sa box-office result ng nasabing pelikula at nais ihambing sa pelikulang “Hello Love Goodbye” nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Gustong makita ng netizens kung sino ba ang mas patok kina Maine at Alden kung iba ang mga katambal nila sa pelikula.

Ayon kay Nanay Lolit ay unfair daw kung ikukumpare ang box-office results ng dalawa dahil magkaiba naman ang mga katambal nito.

Narito ang buong post ni Nanay Lolit sa Instagram:

“Hindi naman siguro ganun ka disappointing ang resulta ng movie nila Maine Mendoza at Carlo Aquino. Iba naman kasi ang tema ng pelikula nila Alden Richards at Kathryn Bernardo. Unfair din ikumpara iyon dalawang movie dahil magkaiba naman ng level ng popularity ang mga kasama nila sa project.

Mabuti at parehong maganda ang mga pelikula nila na kahit papaano iyon ay maipagmamalaki ng dalawa. Ang nabigyan ng reality check dito iyon mayayabang at salbaheng fans na lagi ng nagyayabang sa salitang boycott at akala mo mahuhusay ang utak na kung anu-ano ang advice na ibinibigay para sa mga project na bagay sa kanilang idolo, tapos wala naman pala kakayahan para sumuporta. All barks, no bites.

Ang violent kasi na akala mo sila lang ang puwede asahan, now at least alam na ni Alden at Maine na hindi tutoo iyon mga panakot ng mga bulag na fans na sa kanila maniwala, na hindi totoo na kaya nila sumira at nagpasikat ng isang artista. Demanding at manipulative, hindi tunay na fans iyan. Kasi iyon tunay na fan unconditional ang pagmamahal sa idolo nila kahit anong bagay na mabuti for their idol gagawin at tatanggapin nila. Go Alden and Maine at least napatunayan n’yo na you both can do it alone, and succeed, congratulations to you both.”

View this post on Instagram

Hindi naman siguro ganun ka disappointing ang resulta ng movie nila Maine Mendoza at Carlo Aquino. Iba naman kasi ang tema ng pelikula nila Alden Richards at Kathryn Bernardo. Unfair din ikumpara iyon dalawang movie dahil magkaiba naman ng level ng popularity ang mga kasama nila sa project. Mabuti at parehong maganda ang mga pelikula nila na kahit papaano iyon ay maipagmamalaki ng dalawa. Ang nabigyan ng reality check dito iyon mayayabang at salbaheng fans na lagi ng nagyayabang sa salitang boycott at akala mo mahuhusay ang utak na kung anu-ano ang advice na ibinibigay para sa mga project na bagay sa kanilang idolo, tapos wala naman pala kakayahan para sumuporta. All barks, no bites. Ang violent kasi na akala mo sila lang ang puwede asahan, now at least alam na ni Alden at Maine na hindi tutoo iyon mga panakot ng mga bulag na fans na sa kanila maniwala, na hindi totoo na kaya nila sumira at nagpasikat ng isang artista. Demanding at manipulative, hindi tunay na fans iyan. Kasi iyon tunay na fan unconditional ang pagmamahal sa idolo nila kahit anong bagay na mabuti for their idol gagawin at tatanggapin nila. Go Alden and Maine at least napatunayan n’yo na you both can do it alone, and succeed, congratulations to you both. #classiclolita #takeitperminutemeganun #72naako

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

(Photo source: Instagram – @mainedcm)

You must be logged in to post a comment Login

More in News