Entertainment columnist Lolit Solis revealed the new normal for most celebrities. Nanay Lolit shared what transpired during a meeting between The Professional Artist Managers, Inc (PAMI) and ABS-CBN. According to Nanay Lolit, all PAMI members agreed to ABS-CBN proposal to cut the talent fees of talents from 20% to 50%.
Furthermore, a no taping no pay arrangement will also be implemented. Working conditions will also be affected – like accommodations, food, no make-up artist and stylist and others.
==========
Related Stories:
- Lolit Solis hints for a possible Manny Pacquiao – Kris Aquino talk show
- Lolit Solis advices Frankie Pangilinan: “irespeto mo iyon sinasabi ng mas matanda sa iyo”
- Lolit Solis on the return of “It’s Showtime”: “hindi na malulungkot ang mga fans ng Channel 2”
==========
Here is the full post of Nanay Lolit:
“Nagulat ako Salve ng malaman ko ng meeting pala ng PAMI sa ABS CBN ay napag-usapan ang price cut o discount sa talent fees ng mga artista. Kasi nga hindi ako nag aattend ng meeting pag gabi , at bobo ako sa Zoom kaya wala ako duon.
Sabi ni June Rufino pumayag daw lahat ng PAMI members sa hiniling na discount ng ABS. Ok fine , pero ang naging problema ko hindi ako nasabihan ng mga EP ng kunin nila ang mga stars ko , kaya na shock ako dahil inakala pala nila na nasabi na ni June Rufino sa lahat.
Sa tindi ng sitwasyon ngayon na kapit patalim siguro o talagang artistic juices na lang ang hinahabol ng mga artista sana nga pumayag sila sa 50% to 20% cut na babawasin depende sa TF nila, at iyon sitwasyon sa taping o shooting na lock in na no taping no pay, nanduon ka sa loob ng 1 month pero ang babayaran lang kung ilang araw ang trabaho mo, at siyempre huwag kang maghanap ng magandang accommodation , hindi hotel kundi motel type ang titirhan nyo , wala kang alalay , make up artist, stylist.
At hindi ka rin puwede maging mapili sa pagkain dahil kung ano ang nanduon sa set , iyon ang pagkain nyo. Alam ng lahat ang sitwasyon ng showbiz ngayon, siguro dito mati test ang tolerance level ng artista, dahil hindi lang basic ang babalikan mo sa trabaho, balik din ngayon sa mga dating talent fee before nauso iyon sky rock high na asking price ng mga artista. Now is the moment of truth, parang starting uli ang showbiz, panahon na regular pa ang payslip at wala ang mga nauso na personal make up artist at stylist. Welcome to the real world.”
(Photo source: Instagram – @akosilolitsolis)
You must be logged in to post a comment Login