Entertainment columnist Lolit Solis shared her views over celebrities entering into vlogging. Nanay Lolit finds it cheap that artists are into vlogging.
Nanay Lolit questions the issue of privacy now that everything is already online. Nanay Lolit felt that the premium of stars are diminishing since they are just one click away.
“Nasaan na ang sinasabi nilang privacy ? O iyon na lang kasi ang source of income dahil nga walang project, o para magkaruon ng project ? Malaki naman daw kinikita nila, ok lang, pero nawala naman ang premium nila as stars, dahil para na lang silang so cheap to reach, isang click nandiyan na.” said Nanay Lolit.
Here is her full post:
“Ewan ko Salve baka mukha na naman ako kontrabida dahil hindi ko masakyan kung bakit humantong sa vlogging ang mga stars ngayon. Kung tutoo man na malaki ang kinikita nila sa paggawa ng mga vlogs, ok lang. Pero parang hindi ko ma imagine na gagawin ito nila FPJ, Rudy Fernandez, Susan Roces o sinuman stars ng panahon malakas pa ang showbiz.
Mga showbiz writers ok dahil parang nagbibigay sila ng news thru vlogging, pero para sa isang artista na lahat ipakita sa vlogs ang mga ginagawa, at parang ito na lang ang career nila, parang cheap tignan di ba ? Parang pati kung minsan private moment nila, all out nasa vlog nila. Hindi ka ba parang na cheapan kung minsan na pati mga kiyeme sweet moments nila, kiyeme nasa vlogs ? Or parang semi boldstar na ipinapakita pati pagtulog o suot sa bedroom ?
Nasaan na ang sinasabi nilang privacy ? O iyon na lang kasi ang source of income dahil nga walang project, o para magkaruon ng project ? Malaki naman daw kinikita nila, ok lang, pero nawala naman ang premium nila as stars, dahil para na lang silang so cheap to reach, isang click nandiyan na. Ok kung ano uso gawin, baka naman kaya wala ng interest ang tao sa tv at movies, kasi nga nandiyan na silang lahat sa social media. Mas mura pa lalabas kesa panuorin sa sinehan. Iyon nah”
(Photo source: Instagram – @akosilolitsolis)
You must be logged in to post a comment Login