Connect
To Top

Michael V: “Susundin ko ang gobyerno kahit hindi kita binoto”

Actor Michael ‘Bitoy’ V. expressed his support to the decision of the people even if he personally feels otherwise.

Michael expressed his support to VP Leni Robredo during the last 2022 election.

On Instagram, Michael said he will be supporting the new government as respect should be given to the voice of the people:

“Kulay PULA ang nanalo. Oo, tanggap ko na ito. Kahit PINK ang dugo ko mananaig ang RESPETO. Lahat kayo na bumoto at nagluklok sa kanya sa trono Kayo ang boses ng Pilipino kaya mananahimik na ‘ko.

Hindi politiko kundi hamak na artista. Larawan at tula; ‘yan lang ang hawak kong sandata. Wala akong ambisyon na mamulitika. Baka manalo lang ako, hala, naloko na!

“Comedy at entertainment” hanggang do’n lang ang ambisyon. Hindi “puwesto sa gobyerno” kundi “time slot sa telebisyon”. Ito ang mundo ko sa mahigit tatlumpung taon At wala ‘kong dahilan na baguhin ‘yon ngayon.

Lahat ng may gusto nito, ito mismo ang makukuha n’yo. Pero hindi ako bulag at dalawa ang mata ko: Isang mata sa bayan at isang mata sa ‘yo. Susundin ko ang gobyerno kahit hindi kita ‘binoto.

Sige na, move on na. ‘Wag nang maghanap ng butas. Ang trabaho n’yong naiwan naghihintay pa rin ‘yan bukas. Ngayon alam na natin kung sino lang ang malakas, Mabuhay ang bagong Pangulo ng Pilipinas.”

(Photo source: Instagram – @michaelbitoy)

You must be logged in to post a comment Login

More in News