Connect
To Top

Mocha Uson apologizes for saying ‘Mayon Volcano’ is in Naga City

Humingi ng paumanhin si Asec. Mocha Uson sa pagkakasabi niya na ang Mayon Volcano ay nasa Naga City. Inulan ng batikos si Asec. Uson mula sa mga netizens dahil sa kanyang sinabi. Sa kanyang Facebook account ay inamin ni Asec. Uson ang kanyang pagkakamali at buong pagpapakumbabang humingi ng paumanhin.

“pasensya na po tao lang nagkamali po ako nasa Albay po ang Mayon. Nasabi ko po sa video na nasa Naga. Sorry po nagkamali lang”

==========

Related Stories:

Mocha Uson isosoli ang award ng UST

Mocha Uson sinagot ang suggestion ni Karen Davila na isoli niya ang UST award

UST releases official statement over Asec. Mocha Uson award

==========

Sa isang pang Facebook post ni Asec. Uson:

“#NAGA

Piyesta na naman ang mga DISENTE/DILAWAN dahil sa pagkakamali na naman ni Mocha!

Nanawagan tayo na tulungan ang mga kababayan natin na naapektuhan ng pagsabog ng bulkang Mayon. Ngunit ang pinagtuonan nila ng pansin ay ang pagkakamali ko na nasabi kong NAGA kesa ALBAY.

Wala pong excuse sa aking pagkakamali. Pasensya na po. Mas pagbubutihin ko sa susunod.

Sa mga gustong pabagsakin tayo, pasensiya na po dahil hinding-hindi mangyayari yan. Dahil kahit upak-upakan niyo ako ay babangon at babangon ako at magpapatuloy. Kahit yurakan niyo na ang pagkatao ko at ipa-trending pa sa Twitter.

Kaya isa lang masasabi ko— CHEERS!! Mahaba-haba pa ang inuman at simula pa lamang ng 2018.

Sa mga patuloy na nagmamahal at sumusuporta- MARAMING, MARAMING SALAMAT PO. MAHAL KO PO KAYO.”

(Photo source: Facebook – @Mochablogger)

You must be logged in to post a comment Login

More in News