Mocha Uson sinagot ang suggestion ni Karen Davila na isoli niya ang UST award

Mocha Uson sinagot ang suggestion ni Karen Davila na isoli niya ang UST award

Nagbigay ng suggestion ang batikang TV at radio broascaster na si Karen Davila patungkol sa award na iginawad ng UST kay Asec. Mocha Uson. Ginawa ni Karen ang suggestion sa kanyang Twitter account.

“If I were Mocha Uson I’d surprise them all by returning the award. “Salamat UST Alumni sa pagkilala, ayoko pong mag-away away kayo, higit pa sa papel na ito ang pagkatao ko”. #justathought”

==========

Related Stories:

UST releases official statement over Asec. Mocha Uson award

Mocha Uson nagpasalamat sa parangal na binigay ng UST; may mensahe sa mga bashers

Jessy, Joey, Kris, Nadine, Maine – Most Bashed Celebs of 2017

==========

Sinagot naman ito ni Asec. Uson sa kanyang Facebook page:

“Ms. Karen Davilla para sa kaalaman mo lang. Wala pong issue sa akin na isoli ang award na yan kaya lang po ayaw ko naman lumabas na ingrata o mayabang ako. Ako na nga ang binagyan ng award ako pa ang magsosoli. Ngunit kung gusto po nila ito bawiin ako po ay masayang isosoli ito. Alam mo po this is just a simple recognition na ako ay alumna ng UST at isang public official. Ang akin lang hiling sa mga nagagalit o nabubuang patungkol sa award na ito ay sana ganun din sila ka-concerned sa DENGVAXIA na issue kung saan libo-libong bata ang nalagay sa peligro.
BTW Ms.Karen mas madami pa sigurong mas mahahalagang issue ang dapat pag-usapan sa programa mo na mas makakatulong sa ating mga kababayan kesa sa issue na ito. #justathought”

(Photo source: Facebook – @Mochablogger)


Share This Post