Connect
To Top

Moira Dela Torre pinagkamalang alalay ng mga marshalls

Sa isang bag raid na ginawa ni Darla Sauler para sa ‘Push Now’ ay ibinahagi ni Moira Dela Torre ang insidenteng pinagkamalan daw siyang alalay ng mga marshals. Si Moira ang singer na nagpasikat sa mga awiting ‘Malaya’ at ‘Titibo-tibo.’

Sinabi ni Moira na kailangan niyang magdala ng ilang makeup sa kanyang bag dahil napagkamalan daw siyang alalay ng mga marshalls nang minsang wala siyang makeup sa mukha.

==========

Related Stories:

John Prats direktor na sa concert ni Moira Dela Torre

Pagiging ‘anorexic’ naging daan para kay Moira Dela Torre na lumikha ng awit

WATCH: First directorial work ni John Prats starring Angelica Panganiban and Sam Milby

==========

“Pinapadalhan ako ng makeup dahil lagi akong maputla. Minsan sa ibaba yung mga marshall sa ibaba hindi ako pinapapasok kasi mukha daw po akong alalay. Pero may mga times po na hindi ako pinapapasok, sabi sino artist mo? Sabi ko ako po” kwento ni Moira.

Magkakaroon ng concert si Moira sa February 17, 2018 sa Kia Theater na ang title ay ‘Tagpuan’.

(Photo source: Instagram – @moirarachelle)

You must be logged in to post a comment Login

More in News